Migraine Girl

Buhay Misyonero

Posted on: October 25, 2008

Matagal ko ng nadedma itong blog na ito. Dami kasing events the past weeks, nakakalukring.

So kumusta naman? Kami ni Migraine Boy ko, eto lumipat na naman kami ng balay. Nandito na kami sa isang mala-baryo pero mala-siyudad na barangay Lara sa San Fernando. Dito kasi namin napiling mag-mission. Yep, mga fwends, missionary na ang beauty ng lola nyo.

Haaay, bago itong paglipat na ito, maraming moments muna ako sa dati naming balay. Nag-away kami ng dad ko, nasabihan ako na madamot daw kami ni Migraine Boy dahil di kami tumulong sa kapatid ko na naputulan ng kuryente at kung ano ano pa. Masakit, kasi di naman niya alam na in the past, hindi pa nagbubuka ng bibig si sister dear e nag-aabot na kami ng pera sa kanya. And yes, kahit si Migraine Boy ko e nag-aabot din. E kaso itong huli, naisipan namin na kailangan na nilang matuto dahil parang hagdanan na sa pagkakasunod-sunod ang mga anak nila to think na napakahirap ng kanilang life. Haaay… Kaso, ayun, di pabor si dad sa ganoong reasoning. Minsan, nababaluktot talaga ang tama kapag nabahiran ng favoritism ang laban. Bunso kasi si sister dear at paborito ni dad kaya kahit mali siya madalas, tama pa din. So ayun, imbes na hindi mapaaga ang aming pagaalsa balutan, napaaga tuloy, lol! Di ko na feel kasama si dad sa isang bakuran, di na ako nakakakilos ng matino at super stressed out na ako, kaya bago pa tuluyang mag-fade away ang beauty ko dahil sa kunsumisyon, niyaya ko na si Migraine Boy na umexit dun. Siyempre, galit si dad, hehehehe, na-realize nya kasi na siya ang reason kaya kami lalayas (:p) at dahil ma-pride siya, ayaw niyang aminin kaya nag-gagalit-galitan nalang siya. Haaayy.

Anyway, ganito pala ang buhay misyonero. Akala ko noon madali lang. Pero hindi din pala. Mahirap din, kasi salat sa lahat ng comforts ng buhay. Itong bahay namin, low cost housing unit lang, malamang sa hindi, substandard pa materyales nito, knowing kung gaano ka-corrupt ang gobyerno natin, di ba? Isa lang siyang hugis kahon na may partitions para sa dalawang kwarto at banyo, tapos yun na yun. Malayo na kami ngayon sa malls, kailangan pang mag-tricycle papalabas at pagkatapos ay mag-jeep para umabot sa mall. Pagdating mo sa mall, faded na ang glamour mo dahil maalikabok sa daan palabas, so sa tricycle palang, nabilasa ka na. Eto pa ang malala, dahil mission nga ito, kailangan i-give your all, kaya ang work, medyo magte-take ng backseat, so syempre kapag ganoon, medyo bitin ang mga bagay bagay na may kinalaman sa pinansyal.

Minsan, naiisip ko, ito ba talaga ang buhay na gusto ko? Si Migraine Boy, ganun din ang tanong ko sa kanya, well, siguro mas lalo ko nga dapat itanong yun sa kanya dahil hindi naman siya sanay sa ganitong salat na buhay. Di bale ako, at least naranasan ko ang maghirap sa buhay ko, pero siya, kung saka-sakali, ngayon palang. So ayun, may mga pagkakataon na gusto kong umiyak, lalo na itong mga nakalipas na araw dala nga ng sama ng loob sa nangyari between me and my dad at pagkatapos, ito pang kinakaharap namin na problema ngayon wherein we are running out of cash na and hindi pa namin maprovide completely yung pangangailangan ng children’s ministry. By the way, apat na ang estudyante ko sa children’s ministry, eheheheh, kahapon dalawa lang, tapos kanina may dumagdag na dalawa courtesy of our bilabed neybor na si Chris. Ayan si Chris magaling chumika yan e, kami nga nachika nya na dito na sa tabi nila tumira, hahahaha… So ayun, dumagdag ang bata, at malamang dadagdag pa yan, at wala pa din akong visuals, crayons at kung ano ano pa. Haaay…

May mga times na naiisip ko na mabuti pa noon nasa Manila kami ni Migraine Boy, after work kapag walang magawa sa condo, punta kami ng Trinoma, pakape-kape lang dun, pasyal pasyal. Kapag weekends, manonood ng DVD to sawa o kaya papasyal sa kung saan-saan. Magpapa-derma, magpapa-spa, pa-manicure at pedicure or tambay lang sa mall. Sarap no? Pero pag naiisip ko yun, sabay bawi din, masarap nga yun buhay na ganun pero wala din naman kabuluhan. Puro pansarili lang kasi yun e. Minsan kinakapa ko sarili ko, kung mabibigyan ba ako ng chance na balikan yun, babalikan ko ba? Nakakatuwa kasi hindi ang sagot ko.

Mahirap nga itong buhay misyonero, pero mas masarap pa din lalo na kapag alam mo na ito ang bunga ng iyong pagiging Kristiyano.

Do not store up for yourselves treasures on earth, where moth and rust destroy, and where thieves break in and steal. But store up for yourselves treasures in heaven, where moth and rust do not destroy, and where thieves do not break in and steal. For where your treasure is, there your heart will be also. – Matthew 19-21, NIV

2 Responses to "Buhay Misyonero"

aawww.. ganyan talaga dear ang mga dakila. yaan mo na dakila naman ang inyong hangarin.

hopefully makapag-adjust kayo ng maayos. nakakasanay din ang buhay bundok trust me. pinsan ko si Tarzan e. hahahaha!

maam kmusta na?

long time….

happy holidays sa inyo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Migraine Girl

... because i suffer bouts of migraine on many occasions which makes life a bit more interesting and frustrating at the same time. ... and more importantly, because I am married to Migraine Boy, ang pinakagwapong nilalang sa balat ng saging, este, lupa pala, hehehee...
%d bloggers like this: