Migraine Girl

Ang “Bigger Lie” Tea

Posted on: October 13, 2008

Na-notice ko na kumakapal na naman ang dati ko ng makapal na waistline at dahil _ber months na nga at sunod sunod na naman ang mga okasyones e for sure tataas na naman din ang demand para sa pagbibihis ng maganda, idagdag pa ang kasal ng aking BFF na si Gracia sa December 6 kung saan ako ay required na mag-gown… (hinga muna)… kaya naman, therefore, kailangan kong mag-diet.Again.
For the umpteenth time in my life e magda-diet na naman ako, syempre obvious ba na sa mga nakalipas e puro failed ang aking mga naging attempts? I believe I have resorted to every possible method there is, name it, I have done it, except syempre ang magpa-Belo o Calayan dahil as I have said again and again, I’m Purita Zobel de Ayala. Ang pinakahuling diet na ginawa ko e ang South Beach diet (o dabah sosyal pa rin ang bading!), yes, sosyal ako itong last time dahil wit ko feel na malokrayda sa mga kacheapan na naglilipanang diet methods na nag-show up sa market. Feeling ko kasi masarap maging kambing kahit paminsan minsan lang, you see, sa South Beach diet, tonetoneladang romaine lettuce ang aking nilafangga. Infernes, pumayat naman ako ng konti, kaso di ko kinaya ang 2 weeks na no carbs kaya ng mag-treat sa eat all you can si Migraine Boy, harharhar, buong puso ko din naman ibinuhos ang aking gutom, huhlolz! Sa sobrang sarap ng naganap na reunion between me and the food, nakalimutan ko na ang diet ko ever.
Until last Sabado ng mapadaan kami sa side ng grocery sa SM at nakita namin ni Migraine Boy ang isang eskaparate na naglalaman ng mga slimming chuvaloo. Hmmm… Kankunis, Abs, Fitrum at… ang aming napiling i-try, Bigger Lie Tea! Este, Biguerlai pala. Sa title palang ng pangalan (huh?) nakakaduda na di ba? Pero let’s risk it sabi ni Migraine Boy ko, hmm… sige na nga sabi ko naman. So, ayun, bumili kami ng isang bote which costs P210.00 at kagabi kami nag-start na uminom. Tea siya na parang dried ipil ipil leaves ang itsura, pero according to the package description e it is actually made of Senna leaves and pods. Senna is a bush that is used in the ancient times to relieve constipation and is known as a natural laxative.
So far this morning e nag-race to the batcave kami ni Migraine Boy pero di naman madugo ang naganap na labanan. Swabeng swabe nga e (eeew!). Sana nga parating swabe, well, we’ll see.
Balitaan ko kayo sa mga susunod na araw kung ang tea na ito ay isang Biguerlai o Bigger Lie lang, ha?

About these ads

4 Responses to "Ang “Bigger Lie” Tea"

uy balitaan moko ha. balak ko din mag-diet. di naman pwede sa’kin ang ga-ibon lang ang pagkain, nagiging halimaw ako sa init ng ulo? lols

kumusta naman ang lasa? ok naman?

@jojie: hmm, okay naman ang lasa pero kasi sanay na ako uminom ng oohlong tea na walang sugar so nasanay na ako sa lasa ng pinatuyong dahon na binabad sa mainit na watah. Pero pwede mo naman lagyan ng honey or sugar yung Biguerlai. Marami akong nabasa sa net na pumayat within 2 weeks, so we’ll see…

Update: The other madaling araw, nag-may I go ako sa CR ng 5 times! nagising ako ng 3am na super sakit ng aking tiyan, para siyang hinahalukay sa sakit. nalokrayda ang beauty ko dahil hindi na ako nakatulog, pabalik balik ako sa trono. Pero after that initial eruption e wala na, back to swabe na naman. Baka siguro kasi sobrang taba ko naman kaya ganun ang effect?

wow sana epektib.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Migraine Girl

... because i suffer bouts of migraine on many occasions which makes life a bit more interesting and frustrating at the same time. ... and more importantly, because I am married to Migraine Boy, ang pinakagwapong nilalang sa balat ng saging, este, lupa pala, hehehee...
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: