Migraine Girl

Papano ba maging sosyal?

Posted on: October 11, 2008

Papano nga ba maging susyal?

Isa itong kweystyun na gumugulo sa aking murang isipan magmula ng mapangasawa ko si Migraine Boy. As you all know (as if!), si Migraine Boy ay nanggaling sa buena familia, mala-Mano Po ang dating, yun lang maaga silang naulila sa pudra kaya tanging mudra na lamang ang nagpalaki sa kanila. Life wasn’t that buena for them, pero dahil masipag at matyaga si mudra tulad ng karaniwang Chinese, she was able to give her three sons the best of the best.

Magandang edukasyon, masasarap na fuds, trips abroad, tig-isang yaya at kung anik anik pa. In short, by Pinoy standards, mayaman sila. Kaya si Migraine Boy, lumaking layaw din. Down to earth naman siya kung sa down to earth, yun lang, may mag pagkakataon na kahit sa pagiging down to earth nya e di ko pa din siya ma-dig. May mga pagkakataon na nararamdaman ko how worlds apart ang aming social status. Syempre, ako’y isang simpleng Pinay lamang na sanay kumain ng sardinas – almusal, tanghali, gabi, dagdag mo pa midnight snack kung feel mo. I mean, I eat tuyo, tinapa, paksiw, pakbet, bagoong… At di niya yun kinakain, nasanay daw siya na ang mga ganung fuds e para lang sa mga yaya, katulong at driver. May mga times na napipikon ako sa mga ganung hirit niya kaya sinasagot ko siya ng “e di yaya na muna ako ngayon, masarap ito eh!” sabay ismid, hmfft, danerbbbbh! Hindi naman siya iimik, at papanoorin lang akong kumain na nagkakamay at sarap na sarap pa, sad to say, hindi siya naiinggit at in fact, nahuhuli ko pa sya na tumitingin sa akin with all disgust.

Aside from that, hindi din ako maiharap ni Migraine Boy sa kanyang family without fearing na ipapahiya lang ako ng mga pinsan nya. Matapobre daw kasi sila, at baka ipahiya ako. Siyempre, iniisip ko ano naman kaya ang pwede kong gawin na kahiya-hiya? Flexible naman ako, pwede akong maging bading pero pwede din akong maging girlaloo isdefend sa sitwasyon. Okay lang naman din sa akin ang umupo nalang sa isang sulok at manahimik dun buong gabi para less talk less mistake. Hmmm, siguro kasi di ko ma-afford bumili ng damit sa Mango, wala akong orig na LV bag, Blahnik shoes at Bench Baby Cologne lang kasi ang pabango ko. Purita lang kasi ako e. At higit sa lahat, hindi kasi ako pinanganak na feelingera. Masaya na ako kung makabili ako ng lotion sa Body Shop, bag na imitation sa NepoMall at blouse na walang tatak, basta bagay sa akin at presko ang tela. Ganun lang kasi ako kababaw mag-isip e, hindi din kasi ako maambisyon na tao.

Isa pa, di ko ugali ang sumepsep sa mga in-laws ko. Di gaya ng hipag ko na pinapaliguan ng regalo ang nanay ni Migraine Boy para lang makakuha ng approval. Sa totoo lang, mag-iisang taon na kaming kasal ni Migraine Boy pero di ko pa nabibigyan kahit anong regalo ang nanay niya. Pinaka-regalo ko na sa kanya yung parati ko siyang pinagdadasal at pilit kong inaayos ang relasyon niya sa asawa ko. Well, bonus na din yung pag minsan e nakakapagluto ako ng masarap na putahe para sa kanya. Yun lang din kasi ang kaya ko e. Di ko siya mabilhan ng mamahaling pabango o kaya ay mailibre sa sosyal na restawran. Purita lang kasi ako.

Minsan tuloy, naiisip ko, ano nga kaya ang dapat kong gawin para maabot ko ang standard nila? Meron ba?
Haaay… Ano sa palagay mo?

2 Responses to "Papano ba maging sosyal?"

[…] Magandang edukasyon, masasarap na fuds, trips abroad, tig-isang yaya at kung anik anik pa. In short, by Pinoy standards, mayaman sila. Kaya si Migraine Boy, lumaking layaw din. (Pakiclick po dito para mabasa ang buong isfluk) […]

ay sows! ganyan din ang problema ko pagdating ng panahong magiging mrs. manong na din ako. lahing intsik kasi sila kaya ini-expectorant ko na ang kung anik-anik na chenes in the future.

afraid. pero sabi ko na lang sa sarili ko ‘inlababo naman si manong sa’kin, yun na lang ang gagawin kong karir for life ang panatilihing inlababo siya sa’kin para matanggap niya ang kabbalahuraan ko. tapos keri na sa pamilya pandangal.’

napahaba ang koment ko parang entry na. lols.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Migraine Girl

... because i suffer bouts of migraine on many occasions which makes life a bit more interesting and frustrating at the same time. ... and more importantly, because I am married to Migraine Boy, ang pinakagwapong nilalang sa balat ng saging, este, lupa pala, hehehee...
%d bloggers like this: