Migraine Girl

Manners daw!

Posted on: October 10, 2008

Isang maulang Friday errwan!
Tapos na ako sa work ko kaya pa-hop hop nalang ako now sa cyberspace. Walang kwentang gawain ito alam ko, pero mas walang kwentang gawain naman siguro kung itutulog ko nalang ang araw dabah?

Enwey, so as I was saying, habang nag-ha-hop ako ay nakita ko ang article na ito at bigla akong napaisip: Oo nga ano? Ilang beses na nga ba akong sumakay sa LRT at MRT na ni minsan e di ko naranasan ang may mag-offer sa akin ng seat? Hmmm… Napag-isip isip ko, ganito na nga ba ka-veystus ang mga kalalakihan ngayon?

Naalala ko nga e, minsan na galing kami ng Makati at pabalik kami ng North Avenue, nakaupo na lang ang beauty ko sa last 2 stations. Sakit sa paa, feel ko ang pagwawala ng aking mga varicose veins, ateh! At sa kasamaan palad, karamihan sa mga naka-upo e mga kalalakihan, may nagcecellphone na tigas ng leeg huh, di man lang tumingin sa akin para makita nya ang aking puppy dog eyes. Meron nagbabasa ng newspaper, meron pretending to be asleep, meron nakatanga lang at meron naman wala lang, wala lang talagang pakialam.

Nung minsan naman, nanood kami ng sine ni Migraine Boy sa Robinson’s Starmills sa San Fernando, Congkak ang palabas at oo, tanggap ko na corny ang movie na ito at uber nakakainip lang sya, in fact, masama ang loob ng aking bulsa dahil P90 pa mandin ang bayad at napunta lang sa wala. Pero dubuh, di naman tama ang may magcellphone at magkwentuhan sa loob ng sinehan? Ang ingay, may isa inuunahan ang kwento, yun bang sinusubukan niyang hulaan ang next scene, sabay hagalpak pa, yung isa naman kinukwento yung nabili nyang bagong blouse. Kava-veystus din na mga nilalang, sarap kurutin sa singit, hmfft.

Eto pa isa, sa church naman, last Sunday lang ito. May visitor kami na tunog ng tunog ang cellphone nya. Siya naman sagot ng sagot sa tuwing tutunog. Sa kalagitnaan ito ng sermon ni Pastor Neil, huh. Gusto ko na siyang lapitan at tanungin kung ala bang silent mode ang cellphone niya? Haaay….

I miss tuloy my elementary and high school days, when a girl was always offered a seat first – sa party, sa sasakyan, sa meetings, sa gatherings, etc. At kapag maglalakad sa masikip o matarik (like stairs) na lugar e parating may umaalalay sa kanyang siko, kapag alighting a jeepney e mauuna ang boy para alalayan si girlaloo sa pagbaba and so on. Men, young and old alike were so gallant then, kahit sa grade school e naging practice na din yan at in fact, it is in grade school when boys first learn these acts of gallantry. Kaya noon, girl na girl din ang feeling. There isn’t a girl too feminist to accept such forms of chivalry.

Naalala ko din noon, pag nasa loob ng sinehan bawal ang maingay. Lahat ng tao pag tatawa sabay sabay, pag iiyak kung drama ang palabas, sabay sabay din, kapag may kailangan sabihin sa katabi, binubulong lang. Wala kang maririnig na nagsasalita ng malakas. Sa simbahan naman, walang may bitbit na cellphone, kasi wala pa naman cellphone noon e, hehehhe… Pero kahit na di ba? Basic naman yun e. Unspoken rule ika nga.

Haaay…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Migraine Girl

... because i suffer bouts of migraine on many occasions which makes life a bit more interesting and frustrating at the same time. ... and more importantly, because I am married to Migraine Boy, ang pinakagwapong nilalang sa balat ng saging, este, lupa pala, hehehee...
%d bloggers like this: