Migraine Girl

Walang Kwentang Post

Posted on: October 8, 2008

Warning: Walang matinong nakasulat sa post na ito. Read at your own risk! :p
——
Ilang days na akong di nakakapag-blog, ewan ko ba, parang ayaw umandar ng aking brain. Brainfreeze. Gaya nga ng nabanggit ko sa blog na ito, I am so lazy. Gusto ko lang tumambay sa kwarto, mahiga, magbasa ng books (naks! iskolar ito, ne!) at makipaglambutsingan kay Migraine Boy. For some unexplainable and quite unfathomable reason (o dabah, lalim na English yan!), ni ayaw ko nga tumambay sa harap ng aking computer after ng aking shift.
Ganunpaman, sa gitna ng aking katamaran itong mga nakalipas na araw, may mga ilang bagay bagay akong napag-isip isip tungkol sa aking diva self. Yaknoe, parang soulsearching eklavu? Pero di naman soul ang hinahanap ko kasi kasama ko lang sya, waramseyinis, uhm…ahhhmmm… Yun na yun. Gets mo naman, dabah?

Enihu, napag-isip isip ko lang lately, ganito pala, nagtatangka itong blog na ito na magpatawa, yaknoe, nagpapanggap syang isang “humor blog” pero ako nga mismo ay hindi natatawa sa aking mga sinusulat. Not like nakadami na akong entries, tatatlo palang so far ang published at dalawa naman ang nakabalambang sa drafts, pero I feel so much like a peylyur. Kaya nga e, narealize ko tuloy, mahirap din magpaka-humorous, it really takes talent and intelligence and skill. Kasi naman, nung nagsabog ng comedic skills sa lupa, mahimbing ang tulog ko kaya ayun, wala tuloy akong nasalo kahit isang patak. Owel.
Then narealize ko din yesterday, andami ko na palang blogs. May blog ako sa multiply, dalawa sa blogger, yung balutpress at ito. May mga nage-gain naman akong friends through my blogs, pero napansin ko lang, at ito ha, hindi naman sa nang-aano ako, pero kasi napansin ko lang na karamihan sa mga friends na na-gain ko ay mga foreigners. Gaya ni Rebecca ng A Walk Through The Valley, ni Jean ng The Virtuous Woman, si Frances ng BlogJem at ilan pang mga nag-gagandahang ladies ng SheWhoBlogs. O dabah, napansin mo? Halos sila lahat ay poreynjer. Hmmm… Which confirms my thoughts of so long ago na ang beauty ko e tunay na pang-poreynjer lamang pero pero teka teka, but amaFilipina! And yet, di ako feel ng aking mga kalahi, does that mean talagang totoo nga ang mga nababasa ko sa blogsoperyo tungkol sa mga naglipanang feelingero at feelingera? Hmm…
Akshuli, kahit naman sa Plurk at Twitter wala din masyado pumapansin sa akin e, nasanay na ako, e pero dahil pinapataas ko ang karma ko sa Plurk mega-comment naman ako sa iba with the hope na mapansin ako at i-follow or i-friend or sagutin din nila yung mga plurks ko. Paminsan-minsan, meron din, like si PleadGuilty, pero meron isang kindda antique na sa blogosperyo na kahit anong pa-cute ko sa mga plurks nya e dedma ever siya sa akin. Well, ganun siguro talaga, feelingera lang talaga siguro ang viruha. Kiber Kerber. Hmfft.
Isa pang narealize ko, parating walang pancit palabok o kaya minsan naman ay kesong puti sa Lola Bebang’s. Magsasara na siguro sila? Sayang, doon lang ako nakakatikim ng paborito kong kesong puti. Kahapon, pumasyal kami ni Migraine Boy at pandesal adobo at giniling lang ang meron, pati na din dinuguan at puto e naubusan sila. Tsk tsk, malamang nga na wala na kaming pagde-deytan ni Migraine Boy sa mga susunod na araw. Hawsad.
Haayzz, madami pa akong narealize sa aking pagmumuni-muni. Gaya ng eto, tumataba na naman pala ako. Kailangan ko na naman magreydyus kahit masamang masama sa aking kalooban. Also, kahit pala mag-away kami ng aking sister dear, sisters pa din kami, she will always greet me first, huwahahahah! Eto pa, last na hirit na ito, ang gwapo talaga ni Migraine Boy ko, ahihihi, at lalo akong naiinlab sa kanya, kahit minsan mas mataray pa sya sa akin, huhlolz.
Wala naman talagang kwenta itong post na ito. Ginawa ko lang ito kasi, wala lang, gusto ko lang. Matagal na kasi akong walang post e, at hindi yun makakabuti para sa isang blog, hehehe… Wala kang napulot na matino sa kwento kong magulo dabah? Well, that’s exactly why the title is such. Owel.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Migraine Girl

... because i suffer bouts of migraine on many occasions which makes life a bit more interesting and frustrating at the same time. ... and more importantly, because I am married to Migraine Boy, ang pinakagwapong nilalang sa balat ng saging, este, lupa pala, hehehee...
%d bloggers like this: