Migraine Girl

Christmas Na

Posted on: October 8, 2008

Yay, last month pa pala _BER month, parang di ko man napansin. Superbeezee kasi kami ni Migraine Boy sa ministry and also we got so tied up looking for jobs to sustain our little family. Nasabi ko na ba sa blog na ito na for almost two months e wala kaming work pareho?
Yep. There are days when we would almost give up, mahirap ang nasanay sa lakwatsa tapos biglang wala. Mahirap ang nasanay sa weekend dating tapos wala. Mahirap din ang nasanay sa masasarap na ulam, tapos biglang de-latang seafoods nalang. Dabah? Ay, teka, tungkol nga pala ito sa _BER month, bakit ba napunta na naman kung saan saan? Again, again, again…
Last month pala, _BER month na, di ko man yun napansin. Pero itong pasok ng OctoBER, pansin na pansin ko, day. Syemps kasi nung OctoBER 3 e nagvurrday si Migraine Boy ko. Tapos malapit na din ang vurday ko kaya di ko nga alam kung matutuwa ba ako dahil di pa ako nake-K.O. o malulungkot ako dahil tatanda na naman ako ng wanyir. Bukod sa alam na alam ng lahat ng senses ko na _BER month na dahil sa dalawang milestones na yan sa layp namin ni Migraine Boy ko, ramdam na ramdam ko na din sa umaga na medyo iba na ang simoy ng hangin. Madalas din, paggising ko, naririnig ko yung radyo ng kapitbahay namin na si Mami Aids na nagpapatugtog ng Christmas carols. Sarap tuloy gumising sa umaga, lalo na pag sinasabayan din iyon ng kumukulong kapeng Batangas ni Ate Tess… Haaay…
In short, pasko na mga ate at kuya. Ano ba inaasahan natin sa Christmas? I’m sure yung iba sa atin, bonus sa work, 13th month pay, family at high school reunions, bakasyon sa kung saan saan, pagkain na laksa laksa, at kung ano ano pa. Sarap ng buhay no? Yan yuneee, masarap mabuhay sa earth. Lalo na pag ganyang papalapit na ang mga kasayahan.
E, kumusta naman ang kalagayan nating pang-spiritwal kaya? Naiisip kaya natin na habang papalapit na ang pasko, e papalapit na din ang totoong pagdating ni Kristo? Minsan, naiisip ko, bakit kaya ganun, napaka-short sighted natin minsan. We only look forward to the next 3 months, to the next 5 or 10 years, at the most siguro to the next 20 years. Pero never to that moment when Christ will finally arrive to establish His kingdom. Wala man nagpe-prepare para dun sa araw na yun. Kung meron man, kokonti lang, yung iba, misled pa. Alam naman natin lahat na mangyayari ang araw na yun, in fact we read and hear about it everywhere and almost everyday pa, pero we seem to have adapted that attitude of nonchalance – no ker ba, kerber, kiber. Di man natin maisip na dapat mas lalong pagtuunan natin ng pansin ang mga bagay na yun. May iba sa atin, cynical ang emote. Yung iba eto ang madramang linya : ‘Asus, nek taym ko na iisipin yan mga drama na yan, di ko pa feel eh’, o sya sige sana pag-dating ng nek taym mo e humihinga ka pa dabah? Meron naman iba, to see is to believe daw, duh, baket naniniwala kang may utak ka, nakikita mo ba? Meron naman, kanya kanya daw tayo ng opinion, respetuhan nalang. Sure, sana dabah yan opinion mo biblical para naman di ka masyadong nakakaawa?
The thing is, we are so hyped up with so many things – Christmas, birthday celebrations, births of children, anniversaries, milestones in our and our family’s lives, but how come we never seem to find the time to look into the source of all these things? Ni hindi man nga tayo nagta-try na mag-establish ng relationship with Him. Nakakalungkot dabah?
Yun lang. Naisip ko lang kasi. May kwenta ba? Lolz…

2 Responses to "Christmas Na"

Thanks for visiting my down-to-earth blog, lol.

For the first time may naligaw na Christian sa haybols ko. Saya. San pala church mo kapatid? Ako dito sa Tabernacle of Faith International – San Juan.

Hehehe, tama yung mag puntos mo dito sa entry mo kapatid. That’s why it is written “redeem the time”. Hope we’ll be doing it in the soonest time possible before the clock ticks away.

Dalaw ka ulit ha. Salamat.

Hi Timmy!๐Ÿ™‚ Sa Caloocan kami ni Migraine Boy, sa Disciples of Christ Community Church. Check mo yung blog namen, yung Christian blog (After His Own Heart) nasa sidebar ko yung link.

Yep yep, for sure dadalaw ako ulit๐Ÿ™‚ Salamat din sa pagbisita ditrax.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Migraine Girl

... because i suffer bouts of migraine on many occasions which makes life a bit more interesting and frustrating at the same time. ... and more importantly, because I am married to Migraine Boy, ang pinakagwapong nilalang sa balat ng saging, este, lupa pala, hehehee...
%d bloggers like this: