Migraine Girl

Isang Vurrday Surprise

Posted on: October 3, 2008

Vurrday naman ngayon ni Migraine Boy at isa ito sa mga most unforgettable vurrdays nya ever! We were doing our usual routine ng gulantangin kami ng humahangos kong pamangkin na si MuyMuy, “Tita! Tita! Si Ate Tess, nasagasaan ng trike! Sugatan!”

I felt the world cave in on me. Di ko na matandaan exactly ang mga sumunod na eksena, pero nagmadali akong lumabas ng bahay after ko i-check if I am decent enough na humarap sa ibang tao. Nakita ko si Migraine Boy na nasa labas na (bilis ng lolo nyo, parang ala-Dash) at may trike na nakaparada sa harap ng gate at it looked like nakatingin si Migraine Boy sa may loob ng trike. Feeling ko, andun si Ate Tess sa loob ng trike, at medyo natakot akong lumapit. Baka kasi di ko ma-take ang makikita ko, I was already imagining na si Ate tess ay duguan at naghihingalong nakahandusay sa loob ng trike na yun. Dahan dahan akong lumapit at pagtingin ko sa loob ng trike, walang laman! Nasaan si Ate Tess? Nasaan? Lingon sa kaliwa, sa kanan, wala! And then, sa may gilid ng gate, sa tabi ng shrubs, may nakita akong nakaputing shirtdress na nakatayo, ayun pala si Ate Tess! Nakatayo siya at mukhang shocked na shocked sa nangyari, napansin ko na madami syang sugat, sa kamay, sa legs, at parang may golf ball na gumarahe sa panga nya. At ang fashion sense, grunge look! Anyway, to make the long story short, pinaospital sya, na-xray and all to make sure na walang fatal damage sa kanya. So far, mukhang okay naman, mamayang 4pm pa kasi namin malalaman ang result ng xrays nya.
So ayan, ang gandang birthday blast di ba? Ma-aksyon. Si Migraine Boy, nakaranas ng kakaibang birthday surprise, hahahaha!
Well, seriously though, we are thankful na ganun lang ang nangyari sa aming kasambahay. It reminded us of how fleeting life can be. Of how temporary all of this is. And of how we should value eternal things more than the temporal. Migraine Boy’s 30th birthday will be unforgettable to us because this is the day that God really manifested his power to us, He showed us the reality of how He can take a life is He so pleases, at any given time, and how gloriously merciful He is because He did not, just yet.
Dubuh?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Migraine Girl

... because i suffer bouts of migraine on many occasions which makes life a bit more interesting and frustrating at the same time. ... and more importantly, because I am married to Migraine Boy, ang pinakagwapong nilalang sa balat ng saging, este, lupa pala, hehehee...
%d bloggers like this: