Migraine Girl

Migraine Girl’s Misadventure

Posted on: October 2, 2008

Last Sunday, Migraine Boy and I went to a local church, di kasi kami makaluwas sa Caloocan dahil naubusan ng budget para sa pamasahe. Tagtuyot kasi ngayon e, ya knoe, medyo mahaba-habang panahon na din kasi kaming walang makuhang trabaho at lately, nasasaid na ang laman ng bangko ni Migraine Boy.

Anyhoots, as I was saying, we were ‘forced’ to attend a local church. Nung una e talagang wit namin feel, pero naisip namin, it will be a good opportunity na din para makapag-observe sa ibang churches at tuloy para ma-spread ang word about John MacArthur, that is kung ang church na pupuntahan namin ay clueless pa din about the bestselling author and preacher/expositor.

Ang namesung ng local church is First Baptist Church of Dau. Doon ito sa may Marina Arcade, pasok ka lang sa kanto tapos lakad lang ng lakad hanggang sa makita mo yung pangalawang kanto na may mga naka-fark na cars at may karatula din naman na nag-a-announce ng kanyang church-ness. So, habang kami ay naka-HHWW (holding hands while walking), pumasok kami sa compound ng church, diretso hanggang sa entrance ng mismong lugar kung saan nagwoworship. Isa itong glass door na pagtapat mo ay biglang bubukas at isang babaeng medyo slim ang babati sa yo ng napakalakas na “good morning!”. Kung medyo inaantok ka pa ay magigising ka sa lakas ng kanyang tinig, well, ayos lang naman, di naman nakakabingi ang tarling ng kanyang boses, slight lang, huhlolz. Besides, may kagandahan ang lola mo kaya feel mo na din, di ba maganda sa morning kapag ang mga bagay bagay na nakikita natin e mga malamig sa mata?

Enwey, so we went in and took our seats and while we were seated may mga ilang nanay ang lumapit sa amin at nakipag-kamay. “Hi, bago kayo dito?”, “Ay opo, member po kami sa Caloocan”, “Ah, okay sige good morning”, “Sige po”, sabay smile at sabay tingin ulit sa may harapan. Maya maya pa, eto na, start na ng show, este worship pala… Sayang, medyo bumagal ang pag-gana ng mga utak namin dahil sa sobrang shock sa mga sumunod na pangyayari kaya eto nalang ang na-capture ni Migraine Boy na eksena:

Halata bang harassed na harassed na ang aming mga fez? Kita sa aming mga mata di ba? Pero syempre, di kami nagpadala agad sa ginaganap na rock concert sa aming paligid, feel pa namin hintayin ang kanilang preaching para marinig ang sermon at ng tuloy ay makapagbigay ng final verdict.
After thirty full minutes of jumping, raising the roof, dancing at kung anik anik pa, finally, tumayo na ang pastor sa gitna at nag-preach.
Di ko na pahahabain ito, in a nutshell, napag-desisyunan namin ni Migraine Boy na kahit ano pa ang mangyari, hinding hindi na kami babalik dun sa church na yun. Yun lang.

P.S. hanggang Lunes ng umaga ay ramdam na ramdam ko pa din ang migraine ko.😦

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Migraine Girl

... because i suffer bouts of migraine on many occasions which makes life a bit more interesting and frustrating at the same time. ... and more importantly, because I am married to Migraine Boy, ang pinakagwapong nilalang sa balat ng saging, este, lupa pala, hehehee...
%d bloggers like this: