Migraine Girl

Havvaburrday Ate Tess!

Posted on: October 2, 2008

Vurrday today ni Ate Tess, ang aming loyalistang kasambahay. Kaloka ang lola niyo, maaga syang pumalaot today para mamili ng iluluto nyang masarap na palabok. The moment I woke up, na-sight ko ang beauty nya na naglilinis na ng mga sheken thighs at naghihiwa na ng spring onions. Aba, ang lukaret, nagplano mag-isa, di man ako kinunsulta. Hmmm, sige sige, pagbigyan, tutal 51 na siya today.

Yep, my yaya is no longer a baby. Wag lang matyempuhan na di suot ang pustiso, huhlolz! Nakakatuwa pag naaaalala ko ang aming pinagdaanan, the more than 8 years na hawak kamay kaming sumusugod sa buhay. Di pa kami Kristiyano nun, may sarili pa kaming mundo, but even then, we were both in an endless search for the Truth, we were both exercising a kind of faith that little did we know was useless and dead. Well, mabuti nalang at natagpuan kami ng Panginoon, at sa di inaasahang pangyayari ay magkasama pa din kami until now. Katuwa, kasi sa totoo lang, dapat ay magkahiwalay kami ngayon. Originally kasi ay yaya ito ng aking ex, e kaso nung naging ex ko na ang aking ex e biglang pumulupot sa aking katawan ang lola nyo sabay bumirit ng “fuhleeeezzzz! don’t leave me all alone here!!! take me with you!!!”, so ayan. Well, the rest is history. Obvious naman kung ano ang next scene di ba?

Haaay, lab na lab ko yan si Ate Tess, e. Madalas pag-awayan namin yan ng daddy ko, pero keberush, di ko yan ipagpapalit noh, bakit daddy ko ba maglilinis ng bahay namin ni Migraine Boy? Siya ba maglilinis ng kubeta? Siya ba mamamalengke, maglalaba, magpapasyal kay Bruce, etcetera, etcetera? And besides all that, madugo na din ang pinagdaanan namin dalawa ni Ate Tess, para na kaming sumapi sa KKK na kami lang ang member at nagsandugo kami, I mean, ya knoe, we’re already family, like… like… Yaya and baby, lolz… Seriously, para ko na yan nanay-nanayan e. So ayun, medyo may pagka-against all odds din ang emote namin kapag inaaway ako ng daddy ko about her. Ayos lang naman, pasok sa left, labas sa right, sabay magkulong sa bahay na parang mga daga, tutal tomorrow will be another day, ika nga.

Anyhoots… Yun lang, gusto ko lang sabihin kay Ate Tess na labs na labs ko sya atsaka, sana, makahanap na siya ng lalakeng iibig sa kanya habang buhay. Alam ko, at 51 parang mahirap na yun, pero Ate Tess, don’t fret, hope springs eternal… Habang may buhay, may pag-asawa, harharhar! O siya na, sarapan mo yan palabok at friend sheken na yan ha, hehehhe…

Havvaburrday!!! Mwamwah!

-Mula sa amin ni Migraine Boy

1 Response to "Havvaburrday Ate Tess!"

havaaburday din ate tess

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Migraine Girl

... because i suffer bouts of migraine on many occasions which makes life a bit more interesting and frustrating at the same time. ... and more importantly, because I am married to Migraine Boy, ang pinakagwapong nilalang sa balat ng saging, este, lupa pala, hehehee...
%d bloggers like this: